Agosto: Buwan ng Wika

Bagaman ang “blog” na ito ay kadalasang nakasulat sa salitang Ingles, hindi na man siguro masama kung paminsan-minsan ay haluan ng isang sanaysay na gawa sa ating sariling wika, lalung-lalo na’t ipinagdiriwang natin ngayon ang Buwan ng Wika.

Lahat naman tayo’y dumaan sa elementarya at haiskul kung saan idinadaos ang iba’t-ibang mga patimpalak tuwing buwan ng Agosto. Nariyan ang tula, sabayang pagbigkas, drama, at kung anu-ano pa. Ang pagdiriwang na ito ay dinaraos tuwing Agosto bilang pag alala sa araw ng kapanganakan ni Pangulong Manuel Quezon, ang kinikilalang “Ama ng Wikang Pambansa.”

Bilang mga Atenista, marapat lamang na matuto tayong makipagtalastasan gamit ang ating sariling wika. Sa katunayan, ang ating pangtaunang aklat – “Kalasag” ay nakalimbag sa wikang Filipino. Ito’y upang itaguyod ang pagtangkilik sa ating wikang pambansa. Ikanga ni Gat. Jose Rizal, “ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda.”

Kaya’t ngayong buwan na ito, sariwain natin at tangkilikin ang ating sariling wika. Narito ang ilan sa mga salitang baka di n’yo pa batid ang kahulugan.

mga salita

Pinagkunan: http://www.tripsiders.com/blog/rare-tagalog-words/#.Vdb8rrKqqko

Larawan mula sa: http://kwf.gov.ph/buwan-ng-wikang-pambansa-2015/ 

 

The following two tabs change content below.

April Salazar, ECE

She is an Electronics Engineer and works as a full-time faculty in Ateneo de Davao University. She is an alumna of the same university she is working with now. Few years back, she worked with a Japanese electronics manufacturing company in Cebu.

Leave a Reply